Masasabi kong mahal ko na nga ang isang tao kapag sobrang nag-aalala ako kahit hindi naman dapat. Kapag sobrang nauubos ang oras ko sa buong araw kakaisip sa kanya. Kapag masyado akong makulit kahit sa nonsense na bagay. Masasabi kong mahal nga talaga kita.
Minsan kailangan din nating isipin kung bakit maraming nagagalit sa ating tao. Marahil tayo talaga ang may pagkukulang o maling nagagawa sa ating buhay. Hindi tayo perpekto at hindi sa lahat ng panahon, tama ang ating nagiging desisyon. Minsan kaya nagagalit sa atin ang ating mga kaibigan ay marahil nag-aaalala lang sila sa atin pero kung hindi mo sila papansinin o iindintihin, baka sa huli, walang matira sa’yo - kahit ‘yung mga taong tinuturi mong mga “kaibigan” mo ngayon.
Hindi ko alam kung isa ‘yun sa mga dapat kong ipagmalaki o isa ‘yung kahinaan sa pagkatao ko. Kapag galit ako, mailabas ko lang ang nararamdaman ko, pagkatapos nun, okay na ako. Medyo masa akong magalit pero pagkatapos nun, kalma na ulit ako. Handa kong kalimutan lahat. Magpapatawad agad ako….
Ilang araw na rin ang nagdaan. Ilang linggo na rin ang lumipas. Ilang buwan na ring nagpatuloy akong lumaban at nakayanang tumayong mulli mula sa isang masakit na pangyayari sa buhay ko.
Sa panahong lumipas, marami akong natutunan. Natutunan ko kung paano maging mas malakas at mas mabuting tao. Mas nakilala ko ang sarili ko. Naging abala ako sa mga bagay na naenjoy ko naman. Higit sa lahat, sa hinding inaasahang panahon, lugar at pagkakataon, nakaramdam ulit ako ng pagmamahal mula sa isang hindi inaasahang tao.
Many were shocked for their relationship was so ideal. No one knew the reason why they separated. Years later, the girl was asked by her best friend’s daughter, “Did you ever have a boyfriend?” she replied “Yeah, we used to love each other so much but we decided to call it off.” Confused, the child asked “Why?” Teary-eyed she replied, “So that you may have someone to call DAD.”